ANG mga technique para ma-edit ang genetic ng mga embryo ng tao ay hindi dapat gamitin hanggang sa mapatunayan na sila ay maaasahan at ligtas, sinabi ng isang international commission nitongvlbHuwebes, sa harap ng isang iskandalo sa mga gene-modified babies sa China dalawang taon na ang nakalilipas.
Ang mga dalubhasa mula sa komisyon ng US National Academy of Medicine, US National Academy of Science, at Royal Society ng Britain ay nagsabi na ang heritable genome editing para sa mga medikal na layunin ay “hindi pa handa” upang subukang ligtas at mabisa sa mga embryo ng tao.
Itinayo ang samahan matapos ang Chinese biophysicist na He Jiankui ay nag -udyok ng pandaigdigang iskandalo sa pamamagitan ng pag-angkin noong 2018 na siya ang nasa likod ng mga unang gene-edited babies ng mundo gamit ang Crispr, isang makapangyarihang bagong kasangkapan na kumikilos bilang isang uri ng molecular “scissors”.
Hindi pinapansin ang ethical at scientific norm, nilikha niya ang kambal na sina Lula at Nana na may mga pagbabago sa kanilang mga genome na sinadya upang bigyan sila ng kaligtasan sa HIV.
Siya ay nahatulan ng tatlong taon sa bilangguan dahil sa illegal medical practice ng isang Chinese court noong Disyembre.
Ang kaso ay ikinaalarma ng mga scientist sa buong mundo, na nagtataas ng mga katanungan tungkol sa bioethics at pandaigdigang pangangasiwa ng siyentipikong pagsasaliksik, pati na rin ang pagbuhay sa mga takot tungkol sa mga magulang na lumilikh ng tinatawag na “designer babies”.
Sinabi ng commission na ginawang malinaw ng pangyayari na mayroong panganib “of ad hoc editing efforts that could cause significant harm to individuals”.
“Moreover, given that heritable changes would be introduced that could be passed to subsequent generations, it was clear that careful consideration would need to be given to the specific applications of the editing technology,” anila.
Ang heritable genome editing ay kinabibilangan ng pagbabago sa genetic material ng human eggs, sperm, o anumang cells na nagbubunga ng kanilang development, kabilang ang cells ng early embryos, nakasaad sa ulat, idinagdag na ang clinical use ng teknohiyang ito ay kapa hindi ipinagbabawal o pinahihintulutan sa maraming bansa.
Ang komisyong ito, na binubuo ng 18 dalubhasa mula sa iba`t ibang disiplina, ay hindi tinanggihan ang prinsipyo ng genetic modification sa mga tao ngunit naglalayong magbigay ng isang framework para sa mga bansa na isinasaalang-alang ang paggamit ng teknolohiya.
Kinilala nito na ang gene editing “could represent an important option for prospective parents with a known risk of transmitting a genetic disease to have a genetically-related child without that disease and its associated morbidity and mortality”.
Ngunit sa mga rekomendasyon nito sinabi na ang genome editing sa mga embryo ay hindi dapat gamitin upang lumikha ng isang pagbubuntis maliban kung “malinaw na naistablisa na ang mga pagbabago ay maaaring mapagkakatiwalaan na nagawa nang hindi rin gumagawa ng “undesired changes”.
Sinabi nito na ang criteria ay hindi pa naabot at nanawagan ng karagdagang pananaliksik at “extensive societal dialogue” bago ang mga bansa ay makagawa ng desisyon na papahintulutan ang heritable human genome editing.
“Should they ever be used, it is vitally important that these technologies are used for medically justified interventions, based on a rigorous understanding of how the pathogenic variant leads to disease,” sinabi ni commission co-chair Kay Davies, professor of genetics sa University of Oxford.
“More research is needed into the technology of genome editing in human embryos, to ensure that precise changes can be made without undesired off-target effects. International cooperation and open discussion of all aspects of genome editing will be essential.”
Ang ulat ng komisyon ay magagamit sa trabaho ng World Health Organization, na nagtayo ng isang komite para sa pamamahala ng parehong heritable at non-heritable human genome editing research at clinical uses. Inaasahan na maglalabas ng patnubay sa huling bahagi ng taon ang komite ng WHO.
Cutting edge
Ang CRISPR-Cas9 (pinaikling CRISPR) ay binago ang revolutionised biomedical research simula nang bumulaga sa eksena noong 2012.
Noong Pebrero, iniulat ng US scientists ang na nagtagumpay sila sa genetically editing ng mga immune system ng tatlong mga pasyente ng cancer nang hindi lumilikha ng anumang side effects gamit ang CRISPR.
Ang pamamaraan ay mas simple kaysa sa naunang teknolohiya, mas mura at madaling gamitin sa maliliit na lab.
Ngunit malayo rin ito sa pagiging perpekto at maaaring lumikha ng hindi nais na mga mutations.
Naniniwala ang mga eksperto na maaaring nangyari ito sa kambal na Chinese na ipinanganak noong 2018 bilang resulta ng mga pag-edit na isinagawa ni He.
-Agence France Presse