Kumpiyansa si newly-installed PhilHealth President at Chief Executive Officer Dante Gierran na malinis ang korapsyon sa ahensya sa dalawang taong natitirang panahon sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Newly-appointed chief of Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Dante Gierran (Facebook / MANILA BULLETIN)

Newly-appointed chief of Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Dante Gierran (Facebook / MANILA BULLETIN)

Sa isang public briefing, sinabi ni Gierran na mas madali niyang magagawa ito mula sa suporta mismo ng pangulo, mga mambabatas at publiko.

Pangunahing utos pangulo kay Gierran ay gawing corruption-free ang PhilHealth sa pinakamablis na panahon kaya pangunahing ipatutupad ng bagong namumuno sa ahensya ang pagbalasa sa PhilHealth para mawala ang miyembro ng mafia o sindikato.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Isa rin sa pangunahing gagawin ay ang pagbusisi sa legal system ng PhilHealth, pagsasaayos ng information technology system at pagrepaso sa interim reimbursement mechanism.

Pagdidiin nito, kasama sa proseso ay ang pagtukoy kung sinu-sino ang magkakasabwat sa korapsyon sa ahensya upang tuluyan na silang makasuhan.

-Beth Camia