Sa mga artistang may negosyo ay umaaray na silang lahat dahil sa kawalan ng kita dala ng COVID-19 pandemic at kabilang nga sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magkasosyo sa Barbero Blues na matatagpuan sa SM North Edsa at SM Fairview na pormal na binuksan noong Oktubre 2019 at sigurado kaming hindi pa nababawi ng KathNiel ang kanilang puhunan.

Ayon kay DJ, “Talagang sapul ‘yung Barbero Blues. Pero siyempre, hindi naman tayo puwedeng huminto doon. Siyempre may mga na-lay off yata, which is, hello, tayo sa ABS-CBN mismo alam natin iyan, ‘di ba, dahil hindi kayang suportahan, e.”

Dagdag pa, “Ang hirap talaga. Hindi mo rin alam kung saan ka kukuha financially, pero siyempre, hindi pa rin natin nakakalimutan ang tumulong kahit paano.

At kahit nasa ilalim na ng GCQ o general community quarantine na ang Metro Manila ay wala pa ring gaanong pumupunta sa malls at kung mayroon man ay pawang mga pagkain ang binibili.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Wala talagang tao. Hindi mo naman talaga sila mapipilit. Ngayon, nag-iisip kami ng next steps kung ano ang puwede naming gawin for Barber Blues, kasi gusto ko siya itayo as a brand. So that’s the plan ngayon.

“Nandoon kami, tinitingnan ng mga partners nami, kami ni Kathryn, and kami nina Tita Min (Bernardo, nanay ni Kath), lahat, siyempre, kami ng team.

“Hindi ako eksperto sa business pero, siyempre, you have to evolve sa business mo. Kunwari ngayon kasi, this is abnormal, ‘di ba, ‘yung business mo okay. Tapos nagka-pandemic pa. Anong magagawa natin?

“So kung anong puwede nating gawin o evolve or adapt or ano pa bang (pwedeng gawin) we have to experiment. After nito, babalik tayo nang mas malakas,” sabi pa ng aktor.

Kung hindi dumating ang pandemic ay malamang natapos na nilang i-shoot ang pelikula nila ni Kathryn sa Amerika na si Cathy Garcia-Molina ang direktor at produced ng Star Cinema at sinimulan na rin sana ang series nila.

Kaya doble walang kita ang KathNiel dahil wala ng kita ang mga negosyo nila, wala pa rin silang kita bilang artista dahil wala naman silang shooting o taping.

Ang panawagan ni Daniel sa kapwa niya may negosyo, “Sa lahat ng mga nagmamay-ari din ng kanya-kanyang negosyo, well, I wish you luck, and sana maging mabuti na ang lahat para sa atin.”

-REGGEE BONOAN