DALAWA pang players ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang alsa-balutan sa gitna ng kontrobersya na kinasangkutan ng koponan sa ginawang ‘bubble practice’ sa Sorsogon.

Umalis na rin sa bakuran ng UST sina Season 82 revelation Rhenz Abando at Ira Bataller. Si Abando ay transferee mula Philippine College Science and Technology sa Calasiao, Pangasinan bago lumipat sa UST noong 2018. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naging sensational ang unang taon niya sa Tigers matapos magtala ng 11.71 puntos, 5.29 rebounds, at team-high 1.29 blocks sa loob ng 17 laro.

Ang 6-foot-4 na si Bataller naman na isa sa mga pangalang nabanggit sa kontrobersiyal na Sorsogon bubble ng Tigers dahil nagkasakit umano ito habang nasa training at hindi pinatingnan sa manggagamot at may average na 1.88 puntos, 2.88 rebounds, at 1.12 assists sa loob ng 14 na laro noong nakaraang season.

Sa ngayon, apat na manlalaro na ang nawala sa Tigers roster kasunod ng pagkakatanggal ni CJ Cansino na sinundan ng pag-alis ni Brent Paraiso nitong nakalipas na weekend.   Marivic Awitan