WALANG patlang ang ensayo ngayon si flyweight ace Irish Magno bilang preparasyon sa Tokyo Olympics sa gym sa Janiuay, Iloilo matapos ang ilang buwang limitadong pagsasanay sa Baguio City at Pasig City dahil sa community quarantine.

“Nakapagpapraktis na ako ngayon sa gyms dito. Ito ang unang pagkakataon sapul nang magsimula ang pandemic,” pahayag ng 29- anyos na fighter, na nakabalik lang nitong nakaraang buwan matapos ma-stuck sa Luzon nang magsimula ang pandemic noong Marso.

Unti-unti lang muna ang pagsasanay ni Magno sapagkat isang taon pa naman ang Summer Games sa Tokyo.

“Tokyo is still far away so there’s no rush for hard training this early. I’m just working on getting back the condition of my upper body and legs as of now”.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nagsasanay siya sa gym araw-araw sa ilalim ng superbisyon ni National Team coach Boy Velasco at ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Bukod sa pagpapahintulot sa gym training, natutuwa si Magno dahil tumutulong ang bayan ng Janiuay sa pangunguna ni Mayor Bienvenido Margarico sa fund-raising events bilang suporta sa kanyang paglahok sa Tokyo Olympics.

-Bert de Guzman