Sinabi ng dating pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Dante Gierran na ang unang bagay na gagawin niya bilang bagong itinalagang pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay ang muling pagsasaayos ng ahensya at suriin ang kalagayang pampinansyal nito.

Sa panayam ng ANC nitong Martes, sinabi ni Gierran na aayusin niya muli ang PhilHealth sa tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“[President Duterte] volunteered first, sabi niya, ‘I will reorganize PhilHealth’,” lahad ni Gierran.

Sinabi ni Gierran na lilikha rin siya ng kanyang sariling management committee sa paghawak niya sa ahensya.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Ang kanyang pangalawang plano ay buhaying muli ang kondisyong pampinansyal ng PhilHealth.

“I will look into the financial condition of PhilHealth because there were allegations in the past that PhilHealth will not survive in two years. So, I will have to know how much money it has at the moment,” aniya.

Inamin ni Gierran na siya ay natatakot na kunin ang posisyon na pinuno ng PhilHealth, sinabi na wala siyang kaalaman sa kung paano pinatatakbo ang ahensya.

“I do not know the operation of PhilHealth. Unlike in the NBI. I have been in the NBI for 27 years when I was appointed director,” ani Gierran.

“I don’t know what is public health, community public health, I don’t know about that,” dagdag niya.

Gayunman, tiniyak ni Gierran sa publiko na habang wala siyang karanasan sa sektor ng kalusugan ng publiko, gagamitin niya ang kanyang kaalaman sa pamamahala sa pananalapi, batas, at seguro sa pagtanggap niya sa tungkulin bilang pinuno ng PhilHealth.

“I’m scared but I will not be cowed,” aniya. “Give me a chance to lead. Don’t judge me [yet],”

Hindi akalain ni Gierran na hihirangin siya bilang pinuno ng kontrobersyal na ahensya.

“Actually in the first place, I did not apply for the position. I have been inactive for six months. I never thought that I would be appointed for the position,” aniya.

“I know the gargantuan job that I have to take on with being appointed as the new chief of PhilHealth,” dagdag niya.

Nais ng dating pinuno ng NBI na makipagkita sa kanyang hinalinhan na si Ricardo Morales, upang siya ay “matuto” mula sa dito.

“Yes, definitely. I have to see and consult him. I have to get information from him so that I will be guided,” aniya.

-NOREEN JAZUL at ANALOU DE VERA