GENEVA – Siyam sa bawat sampung bansa na sumailalim sa survey na bagong ulat ang nakaranas ng problema sa kanilang serbisyong pangkalusugan sa gitna ng novel coronavirus pandemic, pahayag ng World Health Organization (WHO) nitong Lunes.
Sa inilimbag na unang survery hinggil sa epekto ng outbreak sa sistemang pangkalusugan base sa ulat ng 105 bansa, natuklasan ng WHO na ang mga nasa low at middle-income nation ang nakapag-ulat ng pinakamalaking problema.
Nakalap ang datos sa limang rehiyon mula Marso hanggang Hunyo para sa sinasabi ng UN health body na unang indicative global pulse survey sa impact ng virus.
“The survey shines a light on the cracks in our health systems, but it also serves to inform new strategies to improve healthcare provision during the pandemic and beyond,” pahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO chief.
“Covid-19 should be a lesson to all countries that health is not an ‘either-or’ equation. We must better prepare for emergencies but also keep investing in health systems that fully respond to people’s needs throughout the life course.”
Karamihan sa mga bansa ang nag-ulat na marami sa kanilang gawain at elective na serbisyo ang suspendido, habang ang serbisyo para sa critical care—cancer screening at treatment at HIV therapy – ay nakitaan ng “high-risk interruptions” sa mga low-income na bansa.
Ayon sa WHO, na 50 porsiyento mula sa set na 25 tracer services ng mga bansa ang apektado ng pandemic.
Kabilang sa naiulat na pinakamadalas na nagkakaproblema ang routine immunization -- outreach services at facility-based service, non-communicable disease diagnosis at treatment, family planning at contraception, treatment for mental health disorders, at cancer diagnosis at treatment.
Iniulat din ng mga bansa ang problema sa pagkaantala sa malaria diagnosis at treatment, tuberculosis case detection at treatment, at antiretroviral therapy.
Nabanggit din sa ulat na ilang healthcare areas, tulad ng dental care at rehabilitation, ang napilitang suspindehin ng mga pamahalaan.
Inaasahang magkakaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng publiko ang pagkaantala ng maraming serbisyo, ayon sa WHO.
“Potentially life-saving emergency services were disrupted in almost a quarter of responding countries,” ayon pa sa ulat.
Halimbawa, ang pagkaantala ng 24-hour emergency room service, ay nararanasan sa 22 porsiyento ng mga bansa, 23 porsiyento naman ng mga bansa ang nakararanas ng problema sa agarang blood transfusions, apektado ang emergency surgery sa 19 na porsiyento ng mga bansa.
PNA