KAMAKAILAN ay ipinost ni Dimples Romana sa kanyang IG account ang mga na-harvest sa kanyang farm sa Batangas na mga avocado, mais at niyog. Napaisip kami kung anong gagawin ng aktres sa mga ito, kung ibebenta o ipapamigay.

Dimples Romana

Caption sa larawang post niya, “Harvest time for our avocados in our Calaca mango farm. Couldn’t go up to harvest them ourselves yet kaya pinadala na muna dito Ani na biyaya mula sa madaming araw at gabi ng puyat, luha, dugo’t pawis literal.

“Whenever I felt tired from work, all I had to do was envision this very moment. God is good. Celebrating simple joys with my fam! Now who’s up for some AVO-cuddle? ? #DimpsTips some dreams and goals take longer than our other goals to come to life, wag lang kayong mapapagod, wag susuko. Walang imposible basta kasama ang pamilya @papaboyetonline @callieahmee #AlonzoRomeoJose.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At kamakailan ay muli siyang nag-post ng larawan niyang nasa isa pang farm sa Tagaytay at naikuwento niya na dapat kotse ang bibilhin nila pero nauwi sa farm na masasabing wise decision.

“Blessed na umaga sa inyo! The Lord says do not be afraid. But I was afraid. Naalala ko pa when we decided to finally take the leap of faith and buy this farm lot in Alfonso many years back, we were taping for Only You, with ‘Gel, Sam. Tito Tirso. ‘Yun ang project na nakapagbayad nito. Salamat sa aking Star Creatives family nun.

“Takot na takot ako because we really didn’t have much then. We had just finished paying for our first home. What we had was a little sum of money na dapat gagamitin para makabili na ako ng bagong sasakyan. But I’m not really one to invest in cars. Okay na sa akin, yung maayos at umaandar.

“So we decided to use the money as a downpayment for this farm lot. Ilang taon din naming binuno. And every time I get the chance to visit our home here, I thank the Lord for the many times he guided us and quietly whispered to my ear “Anak, do not be afraid. You may not see me. But I AM WITH YOU.” We’re about to begin little by little to plant and farm here. Para May harvest na din parang sa Calaca na na-harvest nu’ng Isang araw. It’s much cooler here and the soil I feel will yield more fruits and veggies. Ano bang magandang simulan itanim?”

Saksi naman ang lahat sa sobrang sipag ni Dimples dahil ang araw ay ginawa niyang gabi at heto masaya siya sa mga kinalagyan ng kinita niya, nakapagpundar siya ng sariling bahay nilang pamilya, nabilhan niya ng sariling bahay ang magulang kasama ang mga kapatid, may nabiling building na pinauupahan at dalawang farm lot na napapakinabangan niya ngayong pandemya.

Isa si Dimples sa nawalan ng trabaho ngayon sa ABS-CBN dahil sa hindi pagbibigay ng bagong prangkisa ng Kamara, kaya nagkaroon siya ng maraming oras sa pamilya ngayon.

-Reggee Bonoan