Muling nagpakitang gilas ang pambato ng Pilipinas sa athletics na si Kristina Knott nang sungkutin ang silver medal at basagin ang matagal nang Philippine record sa women’s 100- meter run sa ginaganap na Drake Blue Oval Showcase torunament sa Iowa.

Naimarka ni Knott ang 11.27 segundo sa orasan sa likod ng nagreynang si Kayla White na tumapos naman ng 11.18 segundo sa nasabing kompetisyon.

Binasag ng2019 Manila SEA games, double-gold medalist na si Knott ang matandang record na naitala noon ng Asia’s Sprint Queen na si Lydia De Vega sa 100-meter noong 1987 Jakarta SEA Games, 33 taon na ang nakalilipas.

Ang 24-anyos na si Knott ang tanging Pinoy athlete na nalabi sa kompetisyon sa kompirmasyon na rin ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna rito ay tangan rin ng nasabing athletics sensation na si Knott, ang SEA Games record sa 200 meters sa oras na 23.01 kung saan siya rin ay nagwagi ng ginto sa nakaraang biennial meet. nagwagi din ng gintong medalya ang nasabing Fil-Am trackster sa 4x100-meter mixed relay at silver naman sa 100-meter sa nasabing biennial meet pa rin.

Habol ni Knott na makasampa sa Olimpiyada kung saan ang rekord na dapat na abutin sa 100-meter ang 11.15 segundo.

Ang target ni Knott ay malampasan ang 22.80 segundo para sa makapasok sa Tokyo Olympics sa 200-meter event.

Samantala, bronze naman ang tinapos ng kampeon ng Olympic sa long jump na si Tianna Bartoletta na may 11.44 segundo sa orasan.

-ANNIE ABAD