HINDI pa napatutunayan ang posibilidad na ang mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay muling naiimpeksyon, paglilinaw ng Department of Health (DoH) kamakailan.
“[And proving this would require] a lot of evidence,”pahayag ni DoH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual media forum.
“Let’s not use the term ‘reinfection’ because we don’t have that much evidence yet to say that it’s really reinfection. Kasi po kapag naririnig ng mga tao na galing sa atin o sa media (When people hear it from us or the media), they think na ito talaga ay totoo (that this is true),” paliwanag pa ng opisyal.
Ilang mga ulat sa ibang mga bansa ang nagsasabi na may mga pasyenteng muling nagkakasakit ng coronavirus.
Sa mga naunang linggo ng pandemya, may mga naulat nang kaso sa South Korea, China, at Japan kung saan muling nagpopositibo ang pasyente.
Kamakailan lamang, iniulat ng mga researchers mula Hong Kong ang isang 33-anyos na lalaki na dalawang beses na-impeksyon ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, apat na buwan matapos siyang gumaling mula sa katulad na sakit
Sa Pilipinas, sinabi ni Vergeire, na nakatakda nang pag-aralan ng mga ekperto sa kalusugan ang kaso ng mga hinihinalang “reinfection” at agad , aniyang, magbibigay ibabahagi sa publiko ang impormasyon kapag “accurate and complete” na ang detalye.
Sa pagkahawa, aniya, sa COVID-19, “there is no immunity passport.”
“That is really an evidence (that) was given as an announcement of international organizations or experts in the World Health Organization that there’s no immunity passport. This means the antibodies we develop when we become Covid-19 positive, it doesn’t last long in our bodies, so the possibility or probability to have it (Covid-19) again is always there,” paliwanag pa ni.
PNA