DAGOK sa ekonomiya ng Pilipinas ang COVID-19 crisis, at kabilang sa mga pinakaapektado ang sector ng micro-entrepreneur o yaong mga maliliit na negosyante. Kaya naman, mas pinaigting ng Mekeni Food Corporation ang programa upang makabangon ang mga micro-entrepreneur sa panahon ng pandemya.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes’ Day, inilunsad ng Mekeni Food Corporation ang bago nitong Bayani product -- ang Lumpiang Shanghai -- upang higit pang matulungan na kumita ang mga tinagurian modern-day heroes, ang ating micro-entrepreneurs.

“Ang pagdaragdag ng Lumpiang Shanghai sa aming Bayani product line ay isa sa mga naisip naming paraan upang makapaghatid ng kabuhayan sa ating mga micro-entrepreneur.  Ang hakbang na ito ay simula pa lamang sa napakarami nating programa upang suportahan silang mas mapalago ang kanilang negosyo,” pahayag ni Mekeni Food Corporation Prudencio Garcia.

Ang Bayani ay isang frozen food product line mula sa Mekeni na may mga de-kalidad na streetfood. Kabilang na rito ang mga paboritong snacks tulad ng siomai, siopao, squid balls, fish balls, chicken balls, kikiam, at orlians.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Sa pamamagitan ng Bayani products ng Mekeni, makasisiguro ang mga micro-entrepreneurs na sa maliit na kapital, makakukuha at makakapagbenta sila ng de-kalidad na mga produkto. Dagdag pa rito, nakatitiyak sila na dumaan sa masusing proseso ang mga ito kaya naman paniguradong malinis at patok sa panlasang Pinoy,” ayon kay Garcia.

Ang Mekeni Bayani product line ay paraan ng kumpanya upang mas mahikayat ang micro-entrepreneur na lumaban at makabangon sa anumang  pagsubok sa buhay.

"Matatag tayong mga Pinoy at makikita ito sa ating mga passionate at matitiyagang micro-entrepreneur na gagawin ang lahat upang magtagumpay sa kanilang negosyo sa kabila ng banta ng COVID-19. Katulong natin sila sa muling pagbuhay ng ating ekonomiya kaya naman handa kaming tumulong sa abot ng aming makakaya para matulungan silang magsimula o palaguin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng aming mga produkto,” pagtatapos ni Garcia.

Para sa mga interesado na mag-set up ng Bayani cart o maging Mekeni reseller, makipag-ugnayan sa Mekeni sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa official Facebook page nito na www.facebook.com/mekeniph.