WALANG umatras sa lahat ng mga kalahok sa ‘Laban ng Lahi’ Platoon run na inilipat ang petsa sa Disyembre sa kabila ng pinakikiramdamang sitwasyon ng pandemya.

Orihinal itong nakatakda sa Setyembre 18.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Sa paliwanag ni  President and Founder Laban ng Lahi sports events Captain Joenel Pogoy ng Philippine Airforce, lahat ng mga kalahok mula sa 33 koponan ay handa pa ring sumabak at tumakbo sa Bislig, Surigao nang maging panauhin siya sa TOPS Usapang Sports on Air nitong Huwebes.

“Na-coordinate na namin na magiging successful ang event bagamat wala  pang nakatakdang petsa dahil most likely kung magwo-worsen ang pandemya at wala pang vaccine ay baka i-postpone na namin uli. Pero every year may champion tayo,” ayon kay Pogoy.

Sa ngayon, nakahanda sila sa kanilang guidelines at health protocols anuman ang iatas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Waiting kami sa positive development. Hindi pa kami nag-usap ng personal at naghihintay kami sa official declaration ng project, for us to proceed the project. Once na may clearance na we can start, that’s the time we have to submit the formal letter to IATF.  We are happy at marami nang sponsor at hindi kami kabahan para ituloy ang lahat. Sa ngayon ay minimum 50 participants sa running competition na hindi sabay-sabay tatakbo, after 10 mins, takbo ang next,” aniya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.

Tuloy pa rin naman ang paglahok ng mga senior citizen sa Laban ng Lahi dahil una nang nagparehistro ang mga ito at titiyaking isolate sila at magkakasama sa isang eroplano pagpunta sa venue maging sa hotel accommodation at iyan ay ipapa-facilitate sa IATF.

Iniimbitahan din ni Capt. Pogoy na bumuo ng isang team ang malalaking kumpanya upang makalahok lalo na at nanatili ang P3-M na premyo sa magkakampeon na troops. Kasama rito ang pangakong P1-M ni Senator Manny Pacquiao.

 ANNIE ABAD