CHARLOTTE (AP) – Kagyat na kumilos si NBA icon Michael Jordan hingil sa isyu ng boycott ng mga players.

Tanging Black majority owner sa liga (Charlotte Hornets), tumayong ‘mediator’ si Jordan sa pagitan ng mga kapwa team owners at players upang mapagusapan ang kontrobersyal na isyu hingil sa ‘racial injustice’ na siyang naging dahilan sa boycott sa ikalawang sunod na araw ng mga players sa bubble playoff series.

Sa pahayag ni Jackie MacMullan ng ESPN nitong Biyernes (Sabado sa Manila) nakipagoulong si Jordan kay NBA Players Association president at Oklahoma City Thunder star Chris Paul bago pulugin ang mga team owners upang mailahad ang mga panuntunan na makatutulong para sa mas positibong aksiyon ng NBA Board of Governors.

“Michael is the perfect person to be in this role,” ayon sa isang opisyal ng liga na direktang kabilang sa pulong. “He’s been a high-profile player who has won championships. He’s also the owner of a small-market team. He has great credibility both with players and the owners.”

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Iginiit ni MacMullan na “unanimous in their support of players” ang team owners.

“Right now, listening is better than talking,” pahayag ni Jordan sa isinagawang virtual meeting ng mga team owners.