MATAPOS ang apat na taong pakikipaglaban sa colon cancer, pumanaw na si Chadwick Boseman, ang bida ng ground-breaking superhero movie Black Panther.

chadwick boseman

Hindi kailanman isinapubliko ni Chadwick, 43, ang kanyang kondisyon at patuloy na nagtrabaho sa major Hollywood films sa pagitan ng “countless” operations at chemotherapy, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya.

“It was the honor of his career to bring King T’Challa to life in ‘Black Panther,’” anila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“A true fighter, Chadwick persevered through it all,” ayon pa statement.

Si Chadwick ang unang black superhero na nagkamit ng sariling standalone film sa record-breaking Marvel franchise na “Black Panther” noong 2018.

Patungkol ang pelikula sa fictional African kingdom of Wakanda, na tumanggap ng papuri mula sa mga manonood at kritiko, becoming the first comic book film na naging nominado para sa best picture ng Oscars at tumabo $1 billion worldwide.

Bahagi ng kanyang karera, ang pagganap niya bilang black icons Jackie Robinson sa 42” at James Brown sa Get on Up.

Ikinabigla naman ng Hollywood at mundo ang biglaang pagpanaw ni Chadwick.

“The true power of @chadwickboseman was bigger than anything we saw on screen,” pahayag ni Democratic presidential candidate Joe Biden.

“From the Black Panther to Jackie Robinson, he inspired generations and showed them they can be anything they want -- even super heroes.”

Nagpahayag din ng pakikiramay at tribute ang kanyang Marvel co-star Mark Ruffalo na nag-tweet ng: “Brother, you were one of the all time greats and your greatness was only beginning. Lord love ya. Rest in power, King.”

Pinuri rin ng Leading US civil rights organization, ang NAACP, si Chadwick “[for] showing us how to conquer adversity with grace” and “to walk as a King, without losing the common touch.”

“#RestInPower #BlackPantherForever,” tweet ng organisasyon.

AFP