MULING makakatrabaho ng Philippine Basketball Association si Dr. Raul Canlas na siyang mangagasiwa sa health standards at protocols sa mga practice sessions ng 12 PBA ball clubs.
Kilalang orthopedic surgeon at natatanging Asian member ng FIBA Medical Commission, pamumunuan ni Canlas ang medical committee na binuo ng PBA para sa closed-circuit non-scrimmage trainings na naghahangad na magbigay daan sa pagbabalik aksiyon ng liga sa Oktubre.
“The medical committee will be the center of information when it comes to the health and wellness of our players in this training during this period,” ayon kay PBA chairman Ricky Vargas.
“Dr. Canlas wants it to be a committee, and Deputy Commissioner Eric Castro and I are part of it,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.
Ang naturang medical team at ang buong PBA organization,kabilang ang mga players ay gagabayan ng mga panuntunan at protocols na mismong sila ang bumuo at inaprubahan ng Inter-Agency Task Force.
Ayon kay Marcial, kinakailangang sundin ang mga protocols at sinumang lalabag ay papatawan ng mabigat na parusa.
“There will be two teams (of medical supervisors) to go around. May video, may logbook. Pag nahuli sila (committing violation), malaking fine ang aabutin nila,” ayon pa kay Marcial.
-Marivic Awitan