Ang mga pandaigdigang temperatura na pinalakas ng pagbabago ng klima ay magiging mas mataas pa rin kaysa sa karaniwan sa kabila ng paglamig na epekto ng weather phenomenon na La Nina na inaasahang mabubuo sa mga darating na buwan, sinabi ng UNnitong Huwebes.
Sinabi ng World Meteorological Organization (WMO) na mayroong 60 porsyento ng tsana ng La Nina sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre.
Ngunit nagbabala si WMO chief Petteri Taalas sa isang pahayag na “even if a La Nina event does develop, its cooling signal will not be enough to counterbalance the impact of human-induced climate change.”
“2020 remains on track to be one of the warmest years on record, with much extreme weather ranging from scorching temperatures and wildfires to devastating floods and marine heatwaves,” wika niya.
“This is largely the result of greenhouse gases rather than naturally occurring climate drivers.”
Ang La Nina ay itinuturing na bagyong kapatid ng El Nino, na nangyayari tuwing dalawa hanggang pitong taon, kapag ang umiiral na trade winds na nagpapalipat-lipat ng tubig sa ibabaw sa Pasipiko ay nagsisimulang humina.
Ang El Nino, na may malaking impluwensya sa mga pattern ng panahon at klima at mga kaugnay na mga panganib tulad ng malakas na pag-ulan, pagbaha at tagtuyot, ay may maiinit na impluwensya sa mga pandaigdigang temperatura, habang ang La Nina ay may kabaligtarang epekto.
Ang huling La Nina, na maikli at medyo mahina, ay nagsimulang mabuo noong Nobyembre 2017 at nagtapos noong Abril 2018, sinabi ng WMO, idinagdag na ang inaasahan sa taong ito ay dapat ding mahina.
Tinukoy ng ahensya ng UNang mga sariwang datos na nagpapahiwatig na ang mga temperatura ng dagat sa ibabaw para sa darating na tatlong buwan ay inaasahan na higit sa average para sa karamihan ng mundo - isang bagay na makakaimpluwensya sa mga temperatura ng ibabaw ng lupa.
Isinasaalang-alang ang La Nina at iba pang mga impluwensya ng klima sa rehiyon, sinabi nito na mayroong isang mataas na posibilidad ng mas mababa sa normal na panahon ng pag-ulan sa Horn ng Africa at Southern Africa, pati na rin sa buong kanluran at timog na Pasipiko at sa buong gitnang North America.
Sa flip-side, sinabi nito na may mataas na posibilidad ng higit sa normal na pag-ulan sa timog at timog-silangang Asya at mga bahagi ng Australia.
Ang pag-anunsyo nitong Huwebes ay dumating habang nananalasa ang Category 4 na Hurricane Laura sa southern US state ng Louisiana.
Sinabi ni WMO spokeswoman nitong Huwebes na “El Nino tends to depress hurricane activity. So the absence of an El Nino this year has contributed to an active hurricane season.”
Agence France Presse