First time para kay Direk Laurice Guillen ang mapabilang sa Executive Committee (excecom) ng Metro Manila Film Festival at tiwala siya sa cooperation sa pagitan ng MMFF at Cinemalaya.

“Malaki ang utang na loob ko sa industriya. May mga pagsisikap to bridge the gap sa pagitan ng Mainstream Cinema at indie filmmakers at para sa akin ay maganda itong senyales. Bukas ang MMFF na makipag-ugnayan sa ibang filmfests locally. Alternative films are out there to complement and compete”, wika ni Laurice, na pangulo ng Cinemalaya Independent Film Festival.

“Binago ng pandemic ang paggawa at panonood ng pelikula. We watch them online at pwede pa itong mapalawak. I see an exciting future para sa MMFF at Cinemalaya. Maraming options na pagpipilian,” dagdag niya.

Malaki ang tiwala ni Danilo Lim, chairman ng MMDAat MMFF na malaki ang magiging ambag ni direk Laurice bilang miyembro ng Executive Committee (Execom) dahil sa kaalaman at karanasan nito sa movie industry.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-REMY UMEREZ