Isang buwan matapos ang akusasyon ni Anakkalusugan partylist Rep. Mike Defensor, chairman ng House of Representatives Committee on Public Accounts, na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay nawalan ng P153.76 bilyon mula 2013 hanggang 2018 dahil sa labis na bayad at pandaraya, iba’t ibang mga iregularidad ang sinisingil sa mga operasyon nito, at ang lumitaw ang mga pangalan ng napakaraming mga opisyal na kinukuwestyon dito.

Ang Senate Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Sen. Richard Gordon ay sumali sa pagtatanong at ang Department of Justice na pinamumunuan ni Secretary Menardo Guevarra ay naglunsad ng sarili nitong pagsisiyasat.

Noong 2011, ang PhilHealth ay nagtatag ng isang “Case Rate System” kung saan nagtalaga ito ng mga tiyak na halaga bilang mga gastos para sa paggamot sa iba’t ibang mga sakit. Ang gastos sa hospital package para sa pneumonia na may kaugnayan sa COVID, halimbawa, ay P44,000. Kahit na ang isang ospital ay gumastos lamang ng P15,000 o P20,000 sa isang miyembro ng PhilHealth, P44,000 ang binabayaran ng PhilHealth.

Ang PhilHealth ay mayroon ding tinatawag na Interim Reimbursement Mechanism (IRM). Sa kaso ng natural na sakuna, babayaran na ng PhilHealth ang kabuuang halaga, kahit na bago pa gumaling ang isang pasyente at bago pa matukoy ng ospital ang aktwal na gastos ng pagpaospital.

Ang Case Rate System ay “ugat ng lahat ng kasamaan at katiwalian” sa PhilHealth, sinabi ni Defensor sa isang kamakailang pagtatanong, “at ang IRM ay ang anak nito.” Ang milyun-milyong piso sa pagkalugi ng PhilHealth sa mga nakaraang taon ay sinisisi sa isang “mafia” ng mga opisyal sa ahensya na sinamantala ang dalawang sistemang ito.

Sinabi ng National Bureau of Investigation na natuklasan din nito na P114 milyon sa premium contributions ng mga miyembro ng PhilHealth ay nailipat sa iba’t ibang mga account sa bangko sa halip na mapunta sa PhilHealth noong 2011. Sinabi ng Senate Blue Ribbon Committee na natuklasan din nito ang sobrang overpricing sa pagbili ng mga kagamitan.

Nanawagan si Senador Gordon na buwagin ang PhilHealth at palitan ito ng isang bagong ahensya. Sa kalaunan ay maaaring ito ang kahahantungan ngunit pansamantala, dapat matukoy ng Department of Justice ang pananagutan ng mga inakusahang opisyal, na may katibayanbtulad ng kanilang mga account sa bangko. Ang mga natuklasan nito ay susuriin ng Ombudsman na maaaring magsampa ng mga kaso ng pandarambong.

Ipinangako ni Pangulong Duterte na lilinisin ang ahensya at parurusahan ang kinauukulang mga tiwaling opisyal. Maaaring tumagal ito ngunit ang kaso ng PhilHealth ay naging napakalaki na ang lahat ng posibleng paraan ay dapat gawin upang mapabilis ito at malutas sa loob ng huling dalawang taon ng administrasyong Duterte.