Pinutakti ng mga kritiko sa kanyang hitsura noong 2016 Republican Convention, si US First Lady Melania Trump ay naging circumspect participant sa pampublikong pagsisikap na mapalakas ang pagkapangulo ng kanyang asawa.
Ngunit ang kanyang projection ng pagiging kalmado at pakikiramay sa pagtalakay sa COVID-19, racial tensions at opioid abuse sa kanyang talumpati nitong Martes ng gabi ay umani ng masigabong palakpakan.
Habang ang asawa ni Donald Trump ay nagpahayag ng obligadong pagsuporta para sa kanyang muling pagtakbo sa halalan, ang 50-taong-gulang ay nagpaabot ng isang bagay na bihirang gawin ng president at kanyang inner circle: ang pagkilala sa mga pagdurusa
ng mga Amerikano mula sa pandemya na nagpatigil sa buhay ng milyun-milyon.
“My deepest sympathy goes out to everyone who has lost a loved one and my prayers are with those who are ill or suffering,” sinabi niya sa kanyang pinakaaabangang talumpati sa White House.
“Iknow many people are anxious and some feel helpless. Iwant you to know you are not alone.”
Ang timbre at paghahatid ng mensahe ni Melania ay salungat sa baguhan, agresibong politika ng mga anak ni Trump na nagsalita bago siya.
Wala rin ay ang mayayabang na pahayag ng kanyang asawa tungkol sa pagtugon sa pandemya, ang tono ng pagbalewala sa mga kritiko, at matigas na “law and order” na mga banta sa mga nagpoprotesta kabilang ang mga tagasuporta ng Black Lives Matter.
Sa halip ang dating modelong ipinanganak sa Slovenian ay nagtaglay ng mainit na personal touch na tila naglalayong palambutin ang mga talim ng isang palaban na pangulo.
Ibinahagi niya ang kanyang sariling kuwento ng imigrasyon ng paglipat sa United States noong 1990s at naging isang mamamayan, ipinagmamalaki na nakamit niya ang kanyang sariling “American dream.”
At nagbitaw pa siya ng isang salitang bihirang banggitin ni Trump o sinumang tauhan ng White House: pagkakamali.
“Like all of you, Ihave reflected on the racial unrest in our country. It is a harsh reality that we are not proud of parts of our history,” sinabi ni Melania Trump. “Instead of tearing things down, let’s reflect on our mistakes.”
Ang talumpati ay nagmarka ng isang pagpapabuti mula sa kanyang 2016 convention speech, nang matagpuan niya ang sarili na kinopya ang ilang mga salita mula sa naunang talumpati ng kanyang sinundan na si Michelle Obama.
Nagawa ni Melania na maitawid ang balanseng pagkilos: kumonekta sa mga botante at umapela ng apat pang taon ng panguluhan ni Trump nang hindi tinitira ang oposisyon, isang bagay na sinabi niya na lalo lamang hahati sa bansa.
“It was head-spinning to hear (Melania Trump) acknowledge the devastation of COVID-19; racial injustice... admit mistakes and hear others,” sinabi ng veteran political analyst na si David Axelrod sa Twitter, idinagdag na iyon ay “completely at odds with her husband’s approach.”
Sinabi ng White House aides sa US media na ang kanyang address ay sarili niyang mga salita, naihatid nang walang tulong ng mga propesyonal na speechwriters.
‘Empathy and sympathy’
Sa kabilang banda, ang anak ng pangulo na si Eric Trump ay binira ang mga Democrats ng gabing iyon sinabi na ang administrasyon ni Joe Biden ay naglalayong sunugin ang “Stars and Stripes that represent patriotism and the American dream.”
“Ithink she did what she had to do,” sinabi ni Katherine Jellison, history professor sa Ohio University, sa AFP.
“While the rest of the (convention) participants presented language that emphasized anger and fear, she showed empathy and sympathy for a country suffering two major crises -- COVID-19 and a reckoning with the nation’s racial sins.”
Isinulong ni Melania Trump ang anti-bully work bilang bahagi ng kanyang “Be Best” campaign ngunit halos nanatili siya sa likuran sa nakalipas na apat na taon.
Nitong Martes ay gumawa siya ng engrandeng pagpasok, naglalakad sa colonnade at papunta sa Rose Garden, na kamakailan ay binago niya ang disenyo, upang humarap sa mga hilera ng karamihan sa mga walang mask na panauhin, kasama ang pangulo.
Nakasuot ng olive green suit na may boxy na balikat at malawak na lapels, nagbigay siya ng imahe ng isang fashionable militant na may misyong kumbinsihin ang mga puso at isip ng mga Amerikano.
Ngunit magagawa ba niyang makahakot ng sapat na mga bagong rekrut upang matulungan si Trump na talunin ang Democrat na si Biden, na nangunguna sa mga botohan, sa Nobyembre?
“Ithink she walked the tightrope pretty well and perhaps did pull in a few voters -- particularly some white women -- from the margins,” ani Jellison, idinagdag na si Melania ay malamang na hindi maituturing bilang isang tunay na puwersa ng pagkakaisa.
“Anyone associated with the Trump presidency ultimately emerges as a polarizing figure.”
Agence France Presse