LONDON (AFP) — Isang kemikal na ginamit sa insect repellent maaaring pumatay sa strain ng coronavirus na nagdudulot ng COVID-19, ayon sa isang paunang pag-aaral ng defense laboratory ng Britain na inilathala noong Miyerkules.

Natuklasan ng mga siyentipiko sa Defense Science and Technology Laboratory (DSTL) na ang Citriodiol, ang aktibong sangkap sa mga repellent tulad ng Mosi-guard, ay may mga katangian ng anti-viral kung ihahalo sa virus sa liquid phase at sa test surface.

“Mixing a virus suspension with Mosi-guard spray or selected constituent components resulted in a reduction in SARS-CoV-2,” saad sa pag-aaral.

Sa mataas na concentration, “Mosi-guard gave a significant decrease... resulting in no recoverable virus,” ayon pa dito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Citriodiol ay ginawa mula sa langis sa mga dahon at sanga ng puno ng eucalyptus citriodora, na matatagpuan sa Asia, South America at Africa, at kilala na pumapatay ng iba pang mga uri ng coronavirus.

Hindi pa nasuri ang ginawa nila ng ay iba pang mga eksperto, at sinabi ng Ministry of Defence na inilaan itong kumilos bilang pundasyon para sa iba pang mga “scientific bodies who are researching the virus and possible solutions”.

“DSTL is hopeful that the findings in this research can be used as a springboard for other organizations to expand and develop the research, as well as to confirm the findings in this publication,” nakasaad dito.

Agence France-Presse