TILA hindi nasuring mabuti ng mga fiscal managers, bilang pangalang nais nilang itawag sa kanila, ang repercussion na pinagdadaanan ngayon ng Pilipinas. Bagamat ang terminong ito ay tumutukoy sa kakulangan nararanasan ng bansa sa dalawang magkasunod na quarter, ang posibilidad na maranasan natin ito sa ikatlong bahagi ay maaaring magsadsak sa bansa sa mas matinding pagbagsak ng ekonomiya.
Kamakailan, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang ekonomiya ng bansa sa 16.5% sa ikalawang quarter ng taon, i.e., mula Abril hanggang Hunyo. Sa pagkukumpara, naranasan nito ang downward trend na 0.7% sa unang quarter. Kung sa taunang pagtataya, nakapagtala ang ikalawang quarter ng 2019 ng 5.4% na pag-angat.
Sa kabila nito, tiwala ang mga economic planner at manager ng pamahalaan na sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok na nilikha ng pandemya, hindi masasadlak ang ekonomiya ng Pilipinas sa recession.
Gayunman ang negatibong balitang ito ay hindi kaaya-aya para sa mga ekonomista na isinisisi ang pagbagsak sa pagkabigo ng Estado na markahan ang gastos sa pandemya at ang pagkabigo nito na makapaglabas ng hakbang na magpapahupa sa malalaking isyu na lumilitaw mula sa mabilisang panghihiram ng pondo upang punan ang displacement na nilikha ng sitwasyon.
Upang tapalan ang nakapanlulumong ulat ng PSA na bumalik ang Pilipinas na pagiging ‘sick man of Asia,’ nagdeklara ang central bank, makailang araw, na aabot na ang foreign exchange reserves ng bansa sa $100-billion mark. Dagdag pa rito, inanunsiyo nito na ang net international reserves ng bansa, ang agwat sa pagitan ng gross reserves at total short-term liabilities, na umakyat sa $4.52 billion patungong $97.99 billion nitong Hulyo, mula sa $93.47 billion nitong Hunyo.
Gayunman, ang magkataliwas na galaw na ito ay hindi nagpapakita ng madilim na bahagi kung ano ang dapat asahan, lalo na sa direksyong tinatahak ng COVID-19 sa bansa. Sa kabilang banda, sa pagtuloy na paglalayag ng bansa sa dagat ng problema, ang pinakamaingay na isyung kailangang solusyunan ay ang kalusugan, trabaho at pagkain; ang mga isyung ito ang nakaaapekto ng malaki sa katatagan ng ekonomiya at monetary resources.
Sa kabila ng maliwanag na prediksyon ng isang ekonomiya na may kagamitan upang makaahon mula sa pagbagsak, ang pagkawala sa trabaho ng halos kalahating milyong mga OFW na kumikita ng dolyar, ay may malaking epekto sa kung paano gagalaw ang foreign reserves. Sa pagmamadali na kailangan upang mapalakas ang ekonomiya, kailangan ding harapin ng mga ekonomista ng estado ang malaking foreign dept na nakuha sa nakalipas na mga buwan.
Hindi magandang senyales para sa atin ang economic depression. Sa tala na 27.3 milyon tao na ang nawalan ng trabaho, ang pagsisikap na mapanatili sa katatagan ang bansa, at ang sa kalaunan, ay maibalik ito sa kalagayan bago ang pandemic, tiyak na isa itong komplikadong paglalakbay.
-Johnny Dayang