TULAD ng University of Santo Tomas, nakatakda ring pagpaliwanagin ang National University dahil sa diumano'y ginawa nilang paglabag sa national government quarantine protocols.

Ayon sa ilang mga ulat, nagsagawa ang women’s volleyball team ng NU ng training sessions sa campus nila sa Calamba, Laguna sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

May mga naglabasang mga larawan na ang ilan ay binura na sa mga social media accounts ng mga miyembro ng Lady Bulldogs na nagpapakita ng kanilang pag-iensayo mula nitong Mayo.

Ayon kay assistant coach Regine Diego, maglalabas ng official statement ang NU hinggil sa isyu.

Samantala, nagpahayag naman ang Philippine Sports Commission (PSC), ang oversight body para amateur sports sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi lamang UST kundi maraming mga eskuwelahan ang nagsasagawa ng pagsasanay ng walang pahintulot habang nasa quarantine.

“This is not just [happening] in UST,” ayon kay PSC chairman William Ramirez.

Ang mga recreational at non-professional contact sports ay ipinagbabawal hangga't wala pang epektibong bakuns na inilalabas kontra COVID-19 ayon sa  IATF Joint Administrative Order. Marivic Awitan