NANINIWALA si Vice President Leni Robredo na kailangang maging tapat ng mga lider hinggil sa problemang kinakaharap ng bansa sa pakikipaglaban sa coronavirus disease (COVID-19) upang matugunan ang mga ito.
Nabanggit ito ni Robreso sa kanyang linguhang programa sa radyo nitong Linggo, nang purihin niya ang pagiging bukas ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa sitwasyon ng contact traicing sa Metro Manila.
“Ang kagustuhan ko lang dito kay Mayor Magalong napaka-honest. Assignment niya ‘to, sinabi niya na di natin naachieve, heto yung problema,” komento ni Robredo.
“Sana ganyan lahat para alam natin yung tunay na kalagayan. Para alam natin yung problema, para nahaharap,”dagdag pa ng Bise Presidente.
Pagbabahagi ni Robredo, nakalulungkot minsan kung hindi marunong tumanggap ng mali ang ibang mga lider. Hindi, aniya, magkakaroon ng pagbabago kung hindi marunong tumanggap ng pagkakamali,
“Kapag ganito kahit may pagkukulang, parang kampante ako na yung naglelead alam niya yung sinasabi niya kasi honest enough siya para sabihin na heto yung nangyari, heto yung problema para nahahanapan ng paraan. (Even if it’s like this that there are shortcomings, I’m still confident that who is leading knows what he is doing because he is honest enough to say that this is what happened, this was the problem, so a solution can be found),” paliwanag ni Robredo.
Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health (DoH) na tanging 10 hanggang 20 close contacts ng kumpiramdong COVID-19 patient ang natutukoy dahil sa kakulangan ng resources. Ayon kay Mayor Magalong nasa 1:37 ang ideyal na contact tracing ratio.
Isa ang contact tracing sa tinalakay ni Robredo sa kanyang radio program, bilang bahagi ng target ng DoH na maabot matapos 14-day quarantine period. Sinabi ni Robredo na umaasa siyang makatatanggap ng ulat mula sa DoH hinggil dito.
Kabilang dito ang: high awareness and compliance to minimum health standards; hundred percent households undergone symptom check; hundred percent with symptoms, relevant history, contacts swabbed; no suspect, probable, and confirmed cases nor their contacts are on home quarantine; at least 37 contacts identified per confirmed case (1:37); a hundred percent requiring admission/isolation successfully referred; a hundred percent of admitted patients have zero-out-of-pocket; a hundred percent of clusters identified, contained, and isolated; rapid antibody test kit not used; and no stigmatization in the community.
“Ngayong araw kasi naglabas ng statement yung DoH na namaximize nila yung period pero wala masyadong detalye. Ang gusto sana natin malaman na-hit ba natin itong 9 targets,” aniya.
-Dhel Nazario