LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Tuluyang nadomina ng Miami Heat, sa pangunguna ni Goran Dragic na kumana ng 23 puntos, para gapiin ng fifth-seeded ang Indiana Pacers,99-87, para sa 4-0 sweep ng kanilang Eastern Conference first round playoff nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nag-ambag si Tyler Herro ng 16 puntos at tumipa si Bam Adebayo ng 14 puntos at 19 rebounds para sa Heat, nakalusot sa first round sa unang pagkakataon mula noong 2016.
Nanguna si Victor Oladipo na may 25 puntos at Myles Turner na kumana ng 22 puntos at 14 rebounds sa Pacers, naibaon sa apat na sunod na postseason sa Heat mula noong 2012.
BUCKS 121, MAGIC
LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Pinayuhan ni Giannis Antetokounmpo ang katropang si Khris Middleton na tumira na walang pangamba bago ang laban sa Orlando Magic nitong Lunes (Martes sa Manila).
Tumugon naman si Middleton.
Ratsada si Antetokounmpo sa natipang 31 puntos, 15 rebounds at walong assists, habang kumana si Middleton ng 21 puntos, tampok ang 18 sa final period para sandigan ang Milwaukee Bucks lontra Orlando Magic, 121-106, para sa 3-1 bentahe sa first-round series.
“At times I am too unselfish, so I have to force the issue,” pahayag ni Middleton.
Nauna nang ipinahayag ni Bucks coach Mike Budenholzer na “just a matter of time” bago sumambulat ang opensa ni Middleton. Kung nais ng Bucks na makamit ang unang titulo mula noong 1971,kailangan nila ang opensa ni Middleton.
THUNDER 117, ROCKETS 114
Naitala ni Dennis Schroder ang career playoff-high 30 puntos para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa matikas na pagbangon mula sa 15 puntos na paghahabol sa third quarter at gapiin ang Houston Rockets para maipatas ang first-round Western Conference playoff series sa 2-2.
Nag-ambag si Chris Paul ng 26 puntos at tumipa si Shai Gilgeous- Alexander ng 18 puntos at 12 rebounds para sa Thunder.
Nanguna si James Harden sa Rockets na may 32 puntos, 15 assists at walong rebounds, habang kumana si Eric Gordon ng 23 puntos at humarbat si Danuel House ng 21 puntos