BINASAG na ni University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo ang katahimikan, ngunit ang gusot nila ni CJ Cansino ang kanyang inilahad at hindi ang isyu hingil sa ‘bubble’ ng UST Tigers na labag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (AITF).

 “These times of a Covid-19 pandemic crisis are very trying times for all of us throughout the country and of the world,” pahayag ni Ayo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We have varying approaches and adaptation to cope with the crisis. And as we have differences in strokes for different folks, we labor to respect such differences and allow generously for people to grow in the best way they could in whatever situation best fitting them,” sambit ni Ayo patungkol sa pagpapatalsik sa UAAP Junior MVP.

Lumipat na si Cansino sa University of the Philippines Fighting Maroons.

"Regarding the alleged 'bubble training" in Sorsogon, I will not comment for now as UST is already investigating the matter as well as the IATF," aniya.

Sentro ng kontrobersya ang UST, higit ay lumabas sa social media ang ‘waiver’ para sa mga players patungkol sa kanilang pagpunta sa Sorsogon para mag-ensayo, isang patunay na may basbas ng pamunuan ng UST ang isinagawang ‘bubble training’ ni Ayo.   ANNIE ABAD