PINAG-AARALAN na ng mga laboratory experts sa bansa ang posibilidad ng paggamit sa laway o saliva bilang specimen para sa coronavirus disease (COVID-19) testing, pagbabahagi ng isang health official nitong Miyerkules.

Sa isang virtual media forum, ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nalaman ng Department of Health (DoH) ang tungkol sa saliva-based test higit tatlong linggo na ang nakararaan.

“Ibinigay na sa ating laboratory experts panel ang information para pag-aralan at tingnan ang (The information were given to our laboratory experts panel to be studied and to look into the) experiences of other countries using this method. When we get information, we will provide everybody,” ani Vergeire.

Samantala nilinaw naman ng opisyal na ang saliva-based test ay “not a method of testing”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“It’s a method of collecting, or what sample you’re supposed to use because now the samples we’re getting, it’s coming from the nasal, oropharyngeal in the throat and we also use the lower respiratory tract when the patient is in the hospital,” paliwanag ni Vergeire.

Gayunman, ikinokonsidera nila sa paggamit ng laway ang mga food particles na maaaring masama doon, kung saan lumalabas din umano sa pag-aaral ng mga laboratory experts na ang paggamit nito bilang specimens “could be tedious”.

“So, as to the testing methods, we have RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction), geneXpert, rapid antibody test, antigen test, these are the testing methods we continue to study even if they’re already being used,” dagdag pa niya.

Noong Agosto 15, naglabas ang United States Food and Drug Administration ng emergency use authorization sa Yale School of Public Health para sa SalivaDirect Covid-19 diagnostic test na nagpoproseso sa laway bilang samples para sa processes Covid-19 infection testing.

PNA