GENEVA (AFP) - Ang mga gawain ng katiwalian sa paligid ng medical safety gear para sa COVID-19 health workers ay katumbas ng “pagpatay”, sinabi ng pinuno ng World Health Organization (WHO) nitong Biyernes.

Sa malakas na mga pahayag, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang katiwalian na nagkakait sa mga manggagawa sa kalusugan ng naaangkop na personal protective equipment (PPE) ay hindi lamang nagbanta sa kanilang mga buhay kundi pati na rin sa buhay ng kanilang mga pasyente na nagdurusa sa novel coronavirus.

Tinanong ang WHO director-general tungkol sa graft sa South Africa, na umiikot sa mga iskandalo sa korupsyon kaugnay sa coronavirus na nakaapekto sa kredibilidad ni PresidentbCyril Ramaphosa at imahe ng bansa sa labas.

“Any type of corruption is unacceptable,” Tedros told a virtual news conference.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

“However, corruption related to PPE... for me it’s actually murder. Because if health workers work without PPE, we’re risking their lives. And that also risks the lives of the people they serve.

“So it’s criminal and it’s murder and it has to stop,” sinabi ni Tedros. Ang mga reklamo sa South Africa ay nagsimula sa mga ulat na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay nagtatago at nagbebenta ng mga donasyong pagkain na para sa mga pamilya na walang kita sa panahon ng lockdown.

Pagkatapos ay lumakas ang galit nang malaman ng ilang mga ospital na ang mga binili ng estado na mga mask, gown at iba pang mga PPE ay hindi nakakarating sa mga kawani.