MATAPOS ang pansamantalang pananahimik, muling tutulak ang Honorable Counselor Dra. Doray Delarmente online chess tournament sa Agosto 28, sa lichess.org.

Isinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng birthday celebration ni Counselor Dra. Doray Delarmente, ang free registration online tournament ay may time control two minutes kung saan ang mga kalahok ay paramihan ng panalo sa laro na may 90 minutes of play ayon kay Alpert Murillo, Owner at Founder ng Lakbay Lakay Travel & Tours.

Ating magugunita na si dating World Youth Championship campaigner Karl Victor Ochoa ng Bulacan ang nagkampeon sa Honorable Counselor Dra. Doray Delarmente online chess tournament nitong Hunyo 30, 2020.

Si Ochoa na may handle na Karl Ochoa sa Lichess ay tumapos ng 62 points mula sa 26 games na may win rate 77 percent at performance rating 2460 para magkampeon sa event na inorganisa ng Manresa De Ajedres Chess Club na nasilayan ang 219 players.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang online tournament ay may time control two minutes kung saan ang mga kalahok ay paramihan ng panalo sa laro na may 90 minutes of play ayon kay Alpert Murillo, Owner at Founder ng Lakbay Lakay Travel & Tours.

Nakamit naman ni International Master (IM) Michael “Jako” Concio Jr. ng Dasmariñas City, Cavite ang second spot na may 58 points sa 25 games na may win rate 76 percent para sa performance rating 2548.