TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Isinailalim na sa total lockdown ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) Task Force sa nasabing lalawigan ang isang barangay sa lungsod nang magpositibo sa virus ang isang pamilya sa lugar.

Ang hakbang ay isinagawa batay na rin sa naging rekomendasyon ni City Mayor Jeff Soriano sa task force.

Partikular na tinukoy ng task force ang Bgy. Cataggaman Viejo na ini-lockdown simula Agosto 21 hanggang Agosto 31.

Sa executive order No. 74, lahat ng residente ng nasabing lugar ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kanilang bahay kung hindi kinakailangan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Mahigpit naman ang ipaiiral na urfew mula 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga sa lugar.

Dahil dito, bantay-sarado rin ng pulisya ang lahat ng entrance at exit points.

Nilinaw naman ng alkalde na papayagan nilang lumabas sa lugar ang mga residenteng health workers at frontliners gayunman, pagbabawalan na silang makabalik sa kanilang lugar hangga’t hindi natatapos ang lockdown.

Sinabi pa ng city government, ipinatupad nila ang hakbang upang hindi na kumalat pa ang virus sa lungsod.

-Liezle Basa Iñigo