INANUNSYO ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang tatlo bagay na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpupulong nito, kamakailan.

Pahayag ni Roque, unang-una ay ang pagkilala sa programa ng Department of Social Welfare and Development na tinatawag na Listahanan or yung National Household Targeting System for Poverty Reduction bilang isang critical government service.

“Dahil dito po lahat ng tauhan ng listahanan gaya ng mga surveyors, enumerators, yung mga supervisors ng regional offices ay pupuwede pong lumibot at sila ay ginawang Authorized Persons Outside Residence (APORs) ng sa ganun naman po sila ay makapag, matugunan ang kanilang mga katungkulan. Sila ay allowed ng interzonal and intrazonal travels sa kahit anong mga pamamaraan,” ayon kay Roque.

Ikalawa, ay ang pag-adopt ng IATF sa national na policy kung saan ang lahat ng local na pamahalaan, lahat ng mga governors, city and municipal mayors at punong barangay ay dapat tanggapin ang kanilang mga nagbabalik na mamamayaan na tinatawag nilang returning residents sa panahon ng pandemya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Siyempre nadyan ‘yung recommendation natin na in-adopt ng IATF, ‘yung subtechnical working group on vaccine development recommendation na ang protocol natin sa mga clinical trials ay unang-una, lahat ng naga-apply for clinical trials should be first submitted to doon sa tinatawag na vaccine expert panel reviewed by designated ethics board and submitted to the Food and Drugs Administration for review and approval,” ayon pa kay Roque.

Magkakaroon din aang pamahalaan ng zoning guidelines para sa mga clinical trials na iisyu ng working group on vaccine development para maiwasan ang kumpetisyon para sa mga sites, o sa mga lugar kung saan gagawin ang mga pag-aaral na ito.

“Yung mga local na pamahalaan ay dapat bigyan ng prayoridad yung World Health Organization Solidarity Trials over independent trials at saka yung Philippine Health Research Ethics Board ay dapat i-review yung ethical guidelines para sa COVID-19 clinical trials at saka mga standard compensation na binibigay dun sa sasapi sa WHO solidarity trials at iba pang clinical trials.”

Bukod dito, napagkasunduan din ng National Task Force on Covid-19 na bukod sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportation, sa trabaho, ay dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments gaya ng mga malls.

Samantala, noong Agosto 20 ay inanunsyo naman ni Roque na maaari nang makalabas ng bansa ang mga health professionals na meron ng papeles ‘as of March 8, 2020.’

-Beth Camia