SINIGURO ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William "Butch" Ramirez na walang empleyado ang mawawalan ng trabaho ngayong panahon ng krisis sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Ayon kay Ramirez, mas kailangan ng karamihan ngayon ang trabaho sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.
Nauna na dito, nakatakda sanang magbawas ng empleyado ang PSC sa katapusan ng Agosto, kung saan ay babawasan ng mga contractual employees ang ahensiya.
“Even before COVID, we have communicated with Malacanang that we will let go of some contractual employees,” pahayag ni Ramirez sa kanyang pakikipagtalakayan sa Philippine Sportswriters Association online forum.
Ngunit, dahil sa naganap na pandemya, minabuti ni Ramirez na huwag munang magtanggal ng mga empleyado upang mabawan sa kanilang mga alalahanin.
“We in the PSC board made a collective decision that it will not happen. We will not remove anyone from the PSC unless there is cause. We are in very difficult times,” aniya.
Mas mahalaga umano sa PSC ang kapakanan ng mg empleyado ng kanyang tanggapan, kung saan ay may kabuuang 250 regular employees at mahigit sa 250 na contractuals.
“Sa kahirapan ngayon, ano ang magiging kabuhayan nila kung wala na ring hanap-buhay?” sambit ni Ramirez.
Gayundin, siguiro ng PSC chief na maibaalik ang kabuuang 50% na ibinawas sa mga allowances ng mga atleta at coaches, sanhi ng pandemya sa oras na muling maibalik ang pondo ng National sports Development fund at ng General Appropriation Act (GAA). Annie Abad