LABIS ang katuwaan ng Tokyo Olympics qualifier na si Irish Magno matapos makapagpatayo ng sariling bahay sa Janiuay, Iloilo na bunga ng kanyang pagsisikap at pakikipaglaban sa larangan ng boxing.
Ayon sa kanya, nasisiyahan siyang makita na tapos na ang kanyang bahay na ipinatayo para s apamilya.
“It’s just surreal to see the result of all the hardwork and sacrifice. It’s all worth it,” ani Magno.
Nakabili siya ng ari-arian mula sa insentibong nakamit sa kanayng panalo sa international competition kabilang na ang SEA Games.
Sa pagtatapos ng kanyang home quarantine pagkaraan ng ilang buwan na naging limitado ang kanyang pagkilos sa Baguio, Pasig at sa Iloilo, balik sa puspusang emsayo ang Tokyo Olympics-bound athletes.
Dahil sa pagkakaroon ng sariling bahay, nadoble aniya ang kanyang motibasyon para paghandaan ang Summer Games sapagkat nakapagpundar na siya ng lifetime investment para sa sarili at matapos maipagawa rin ng bahay ang mga magulang kamakailan.
“Ngayon, mas lalo ko pa po pagsisikapan sa paghahanda sa Olympics dahil masarap sa pakiramdam na yung pagod at hirap sa training at laban ay may magandang kapalit,” sabi ng 29- anyos na Filipina boxer.
Ngayong nakapagpagawa na ng sariling bahay, ang target naman niya ay gold medal sa Olympics.
-Bert de Guzman