Umaapela ang mga nars sa bansa sa gobyerno na alisin ang deployment ban dahil marami sa kanila ang nananatiling walang trabaho.

Sa isang pakikipanayam sa CNN Philippines nitong Huwebes, sinabi ni Filipino Nurses United president Maristella Abenojar na walang dahilan kung bakit dapat ipagbawal ng gobyerno ang mga nars na ma-deploy sa ibang bansa.

Ang tinutukoy ni Abonejar ay ang resolusyon ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pinamumunuan ni Labor Sec. Silvestre Bello III na nagpapataw ng total ban sa deployment ng healthcare workers kabilang ang mga nars.

Noong nakaraan, binigyan ng exemptions ang mga nakumpleto ang kanilang dokumentasyon noong Marso 8.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Meron tayong rough estimate na 200,000 to 240,000 na unemployed or underemployed na mga nurses,” sinabi ni Abenojar na binanggit ang figures ng gobyerno.

“Wala pong karapatan ang ating pamahalan na pilitin ang ating mga healthcare workers katulad ng mga nurses na manatili sa bansa kung meron naman silang pagkakataon para po sa oportunidad sa labas ng bansa na maiahon sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya,” idiniin niya.

Sinabi ni Abonejar na marami sa mga nars na naghanap ng trabaho sa ibang bansa ay sumunod din sa panawagan ng gobyerno na magtrabaho sa mga ospital at nag-apply sa emergency hiring ng Department of Health (DOH) na nagpahayag ng mga bakante para sa halos 10,000 nars.

“Nag-apply na rin po sila sa emergency hiring pero hindi na po open ang Department of Health para dito,” malungkot niyang sabi.

Sa kanyang parte, sinabi ni Bello sa isang panayam sa CNN Philippines nitong Huwebes na ang resolusyon ng board ay ginawa dahil sa mga alalahanin na ang bansa ay magkakaroon ng kakulangan sa mga kinakailangang nars sa panahon ng pandemya na dulot ng 2019 novel coronavirus disease (COVID-19).

“Worried yung IATF (The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ) if we allow the deployment baka mawalan tayo ng experienced nurses,” ani Bello.

Tiniyak ni Bello sa mga nars na itataas niya ang kanilang apela sa IATF.

“I am confident na pagbibigyan sila,” sinabi ng kalihim.

“We need them and we also know how difficult they are going through. We share their miseries,” aniya pa.

-Jeffrey G. Damicog