KUNG mayroon man tayong hindi matanggap sa gitna ng pandemyang nagpapalugmok sa public health system ng bansa, ito ay ang maraming tao sa gobyerno na kontra sa isa’t isa. Katawa-tawa sila pagmasdan sa kanilang mga kakaibang tungkulin at inilalarawan nila ang nakalulungkot na estado kung paano tinutugunan ang isang emergency mula sa pananaw ng mga eksperto.
Ang impresyon na ito ay naglalarawan din sa outline ng inter-agency task force, na may tungkuling mamahala sa pandemya. Sa mga nakalipas na linggo, nagkaroon ng disoryentasyon kasunod ng mga nagtatalong interpretasyon ng ilang mga miyembro ng IATF sa kung paano nagagamit ang ilang tiyak na mga protocol.
Halimbawa, sa paggamit ng motorcycle windscreen, ipinilit ng IATF ang kahalagahan nito, nang hindi ikinokonsidera ang halaga ng aerodynamics, kahit pa nga nakasuot naman ng full-face helmet ang biker at backrider. Ipinagdiinan din nila na kailangan pa ng mga mag-asawa o mag-partner ang divider kahit pa batid naman ng lahat na ang posisyong ito ay taliwas sa ginagawa ng mga mag-asawa sa tunay na buhay.
Higit pa rito, ang task force na dapat ay ginagabayan ng mga eksperto sa kalusugan sa pagtugon sa pandemya. Apat na high-profile personalities na nakikita natin sa telebisyon ay mga retiradong heneral, at tila komportable pa silang nagpapaliwanag ng tungkol sa pandemya, na kung tutuusin ay gawain ng mga medical health practitioner.
Higit pang umingay ang oposisyon sa isyung ito kamakailan, nang ang mga medical frontliners, na inakusahan ng pangulo ng paghihikayat ng rebolusyon, ay nanawagan sa Estado na huwag i-militarise ang mga institusyong pangkalusugan sa pagtatransporma sa mga ito bilang isang garrison ng pulisya.
Ang paglaban sa impeksyon ay hindi tungkol sa pananakop ng mga armadong kaaway: isa itong digmaan laban sa hindi nakikitang kalaban na ang epekto ay malinaw namang nauunawaan ng mga nag-alay ng kanilang buhay sa pagtukoy ng mga nakahahawang sakit. Upang lubusang maunawaan ang pandemya, tamang nakipagtulungan ang mga medical health specialists sa mga scientists at mathematicians upang maunawaan ang galaw ng virus.
Bagamat hindi naman maitatanggi na ang tungkulin ng militar ay dapat na hindi lamang limitado sa pagpapatupad ng kaligtasan para sa kapakanan ng publiko, ang argumentong ito hindi puwede sa mga kaso kung saan ang pinagtutuunan ay tungkol sa virus, bakuna, medisina, kontaminasyon at kalusugan.
Sa laban upang masugpo ang pandemya na patuloy na lumalaganap, hindi na kailangan pa ng bansang ito ang dagdag na mga cartoon characters upang magmukhang katawa-tawa ang ating laban. Sa paglalagay ng dagdag na patong sa kolorete ng IATF, tulad ng pagtatalaga ng mga czar, higit pang pinalala ng Estado ang gusot sa misyon na mapahupa ang virus sa bansa.
Nauunawaan natin ang lohika kung bakit kailangan ang prisensiya ng mga law enforcer sa isang pandemya. Ngunit ang kanilang tungkulin ay dapat na ekslusibo lamang sa tungkulin sa labas ng medikal na usapin. Ibigay natin sa mga doktot ang paglaban sa virus at pag-uulat ng mga pagbabago hinggil sa pandemya, at ang mga siyentista at theoreticians para sa graph at pagko-compute ng trajectory ng virus
-Johnny Dayang