Dapat nang magbitiw si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kung mayroon pa itong natitirang delicadeza.

Ito ang panawagan kahapon ni ACT-Teachers Party-List Rep. France Castro sa gitna ng alegasyong sangkot umano ito sa malawakang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Ii-spare ba natin dito si Duque tsaka si (PhilHealth President Ricardo) Morales at iba pang mga executive? Sinabi na nga ‘di ba, part of mafia si Secretary Duque,” pahayag nito sa isang virtual na pulong balitaan ng Makabayan Bloc.

“Kung mayroon delicadeza itong si Duque ay mag-resign na rin siya. Dahil command responsibility ito eh. Sakop mo ito eh, dapat alam mo nangyayari. Kaya dapat mag-resign si Morales at si Duque,” pagdidiin ni Castro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Duque ay kasalukuyang chairman of the board sa PhilHealth na nauna nang pinaratangan ng nagbitiw na si anti-fraud PhilHealth officer Thorrsson Keith na “godfather” ng umano’y na nag-o-operate sa nasabing ahensya.

Dapat na aniyang bumaba na sa puwesto sina Duque at Morales upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng

Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

“They shouldn’t be exempted,” pagdidiin pa ni Castro.

-Ellson A. Quismorio