IPINAHAYAG ni Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), na ibabalik nila ang Dance Sport Council of the Philippines (DSCP) bilang isang regular member.

Ayon kay Tolentino, kikilalanin din ng POC ang Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. (KPSFI) bilang bagong local governing body ng sport.

“It will be in the agenda. Both are qualified,” ayon sa kongresista na pangulo rin ng PhilCycling.

Natamo ng DSCP na pinamumunuan ni Becky Garcia ang regular membership matapos na ito ay laruin sa 2010 Guangzhou Asian Games. Ang break dancing ay isinama sa paligsahan sa Tokyo Olympics na ipinagpaliban sa 2021 bunsod ng COVID-19 pandemic.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang DSCP ay nagkamit ng 11 gintong medalya nang ang Pilipinas ang nag-host sa SEA Games nitong Disyembre 2019.

-Bert de Guzman