LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Tuloy ang aksiyon, malusog na labanan.

Naitala ng NBA ang ‘zero covid- 19 case’ sa kabuuan ng 341 players na kabilang sa isinasagawang ‘bubble’ sa Walt Disney World.

Itinuloy ang naudlot na season sa Disney nitong Hulyo 30 at nagsimula ana ang postseason nitong Lunes. Araw-araw na dumadaan sa test ang mga players habang nasa loob sila ng campus.

May dalawang kaso na naitala, ngunit ito’y sa araw nang pagdating ng mga players sa venue at hindi pa sila sumasailaim sa inisyal na mandatory in-room quarantine.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

CELTICS 128, SIXERS 101

Muling humirit si Jayson Tatum sa naiskor na 33 puntos para pangunahan ang Boston Celtics laban sa Philadelphia 76ers nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) para sa 2-0 bentahe sa kanilang first-round Eastern Conference playoff series.

Kumubra si Tatum ng career playoff high sa ikalawang sunod na laro matapos ang impresibong 32 puntops sa opener nitong Lunes.

Nag-ambag si Kemba Walker ng 22 puntos at kumana si Jaylen Brown ng 20 puntos para sa Celtics, nagtala ng 51% sa field at mababang pitong turnovers.

Nanguna si Joel Embiid sa Sixers na may 34 puntos at 10 rebounds, habang kumana si Josh Richardson ng 18 puntos.

RAPTORS 104, NETS 99

Naisalba ng Toronto Raptors ang matikas na pakikihamok ng Brooklyn nets para sa 2-0 bentahe sa kanilang first-round playoff series.

Hataw si Fred VanVleet sa naiskor na 24 puntos at 10 assists, habang nag-ambag si Norman Powell ng 24 puntos para sa defending NBA champion. Humirit naman si Kyle Lowry ng 21 puntos, at siyam na rebounds.