WALA pang “matibay na ebidenya”na nagpapakita na ang nadetekta kamakailan na strain ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) virus sa bansa ay higit na nakahahawa, paalala ng opisyal sa kalusugan nitong Lunes.

Ito ay matapos sabihin ng Philippine Genome Center (PGC) na ang D614G o ang ‘G’ variant o isang “globally dominant form” ng virus “can increase the viral rate of transmission of the disease”.

Iniulat ng PGC na ang variant ang natagpuan sa isang maliit na sample ng mga positibong kaso mula sa Quezon City.

Sa isang virtual media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inotorisa ng Department of Health (DoH) ang PGC na patuloy na pag-aralan ang strain.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Wala pa rin tayong gano’ng solid evidence to say na ‘yan talaga ay mangyayari (We still don’t have solid evidence to say that it [strain has higher infectiousness level] will really happen),” pahayag ni Vergeire.

Dahil nagmula ang sample na naglalaman ng strain sa Quezon City, sinabi ni Vergeire na ang pag-aaral ng PGC sa strain “may not be a representative sample for the rest of the country”.

“Whatever strain there may be in the Philippines for SARS-CoV-2, we just continue to enforce strictly and properly the minimum health standards,” dagdag pa ng opisyal.

Muli namang pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na sundin ang minimum health standards —pagsusuot ng face masks, regular na paghuhugas ng kamay, physical distancing at pananatili sa bahay—upang maiwasan ang pagkalat ng virus anuman ang strain nito.

Sa tala nitong Lunes, iniulat ng DoH ang kabuuang 164,474 kumpirmadong kaso ng Covid-19, 112,759 recoveries at 2,681 pagkamatay.

PNA