ISANG araw matapos maging ganap na milyonaryo sa nakamit na tagumpay sa Japan LPGA, sinabi ni Yuka Saso na ipagpapatuloy niya ang pag-aaral at ensayo sa Amerika.

Ayon kay Saso, nakolekta ang kabuuang P11 milyon, nais niyang mahasa pa ang talento sa US, gayundin na muling makabalik para ituloy ang edukasyon.

“I really want to go back to school,” sambit ng 19-anyos Filipino-Japanese star.

Isang magaling na golf player, napilitang siyang maglaro sa Japan matapos nabigong ma-qualify sa US LPGA—at hindi makapagdesisyon kung siya ay tuluyang magiging professional o tanggapin ang ilang alok na scholarship mula sa high-profile colleges sa Estados Unidos.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

“I think it was God’s way of telling me to learn [the game] more, to practice harder,” ayon sa 2018 Asian Games gold medalist.

Sa panahon ngayon ng Covid-19, isang panahon na itinuturing na isa sa “toughest ladies tours in the world”— nakapagtala si Saso ng pambihirang marka, ang maging kauna-unahang Filipina na manalo sa Japan LPGA. Naniniwala ang mga eksperto sa taglay niyang potensiyal, siya ay magtatamo pa ng maraming panalo at karangalan sa mundo sa susunod na pagkakataon.

“Failing [in the US] meant I got the chance to find a lot of time with my family. “I’ve always been away competing in tournaments abroad most of my teenage life, and being based in Japan now feels like heaven because I’m with my parents and my siblings.”

-Bert de Guzman