Inihayag ni Canada finance minister Bill Morneau ang kanyang pagbibitiw nitonv Lunes, kasunod ng ethics scandal at sa gitna ng iniulat na hindi nila pagkakasundo ni Prime Minister Justin Trudeau kaugnay sa paggaatos sa pandemya.
Sinabi ni Morneau, hawak ang posisyon simulae 2015, sa news conference na nakipagpulong siya kay Trudeau para ipaalam na hindi na siya tatakbo sa susunod na halalan, at kailangan ang isang bagong l finance minister na may long-term outlook.
“As we move to the next phase of our fight against the pandemic and pave the road towards economic recovery, we must recognize that this process will take many years, it’s the right time for a new finance minister to deliver on that plan for the long and challenging road ahead,” ani Morneau.
“That’s why I’ll be stepping down as finance minister, and as member of Parliament,” banggit niya.
Sa nakaraang linggo, iniulat ng media ng Canada ang umuusbong na hidwaan sa pagitan nina Morneau at Trudeau tungkol sa kung paano pasiglahin ang ekonomiya ng Canada na pinahina ng pandemya ng bagong coronavirus, sa pagsirit ng kakulangan sa badyet ng gobyerno sa mahigit sa Can $340 bilyon.
AFP