Inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa Ottawa ang kanyang ABAKADA Atbp. Book Giveaway para sa mga batang Filipino-Canadian bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa (National Language Month) ngayong Agosto.

Ang mga natatanging Pilipinong alamat at pambatang kuwento na nakasulat sa wikang Ingles at Filipino (Tagalog), naninilmbag ng Adarna House ay ipinadala sa pamamagitan ng koreyo,na parte naman ng Online ABAKADA Atbp. Program ng Embahada.

Ayon kay Philippine Ambassador to Canada Petronila P. Garcia, na ang ABAKADA ay orihinal na konsepto ay bilang isang summer workshop para sa mga batang Pinoy.

Ngayon sa kanyang ikawalong taon, itinuturo sa programa ang wikang Filipino, mga awit, laro, sayaw, pagkain at kuwento.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“This year, we are unable to host the children for our annual summer workshop for health and safety reasons, but we would like to bring the stories of our Filipino culture straight to their homes,” sabi ni Ambassador Garcia.

-Bella Gamotea