INAASAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang malaking progreso sa kanilang proyektong National Academy of Sports (NAS) at Philippine Sports Training Center pagdating ng taong 2022.

Ang unang public high school na nakatuon sa sports ay inaasahang maitatayo sa Capas, Tarlac,bago matapos ang termino ni Pangulong is Rodrigo Duterte.

“Sana magawa na agad ang facilities sa National Academy of Sports sa New Clark City. Malamang baka sa dalawang taon na maiwan matapos ng administrasyon if the local government can coordinate with the good senators and congressmen,” ayon kay PSC Chairman William Ramirez sa PSC Chatroom online webcast.

“We need good politicians to chart laws. To create a budget for our sports and education for others. We need these politicians to help augment facilities, the creation of projects. Sana bago matapos ang 2022, makita na natin ang buildings ng project na ito,” dagdag nito.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kapag nabuksan ang NAS, target ding magbukas ng mga satellite campuses sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Kaugnay nito ang isa pang prayoridad na proyekto ng PSC na pagpapatayo ng Philippine Sports Training Center.

Ayon sa PSC Chief, may ilang mga local government units naang nag-alok ng lupang posibleng pagtayuan ng training center.

Kabilang dito ang 30-hectare area sa Mt. Samat sa Bataan, isang lupaing nasa tabi ng Marcos Highway sa Antipolo at isang lugar kalapit ng AyalaLand sa Clark, Pampanga.

Nag-alok din ang lalawigan ng Negros Occidental at ang UP Mindanao sa kanilang campus sa Davao.

-Marivic Awitan