PATULOY na nararamdaman ng industriya ng turismo sa Pilipinas ang matinding epekto ng coronavirus pandemic matapos maitala ag 73 porsiyentong pagbagsak sa bilang ng mga banyagang turistang dumarating sa bansa sa nakalipas na pitong buwan ng 2020 kumpara sa tala sa kaparehong mga buwan noong nakaraang taon.

Sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. na umabot lamang sa 1.3 milyong bisita ang naitala mula Enero hanggang Hulyo 2020, bagsak mula sa 4,852,107 international tourists sa kaparehong buwan ng 2019.

Lugmok din ang kita sa turismo sa 72 porsiyento mula sa P81 billion na naitala sa kaparehong panahon.

“Clearly the tourism industry has been severely affected by the pandemic and of course this is a result of the travel restrictions that were imposed in the middle of March,” pagbabahagi ni Bengzon sa isang panayam sa ANC.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong Marso 2020, nagdesisyon ang pamahalaan na maglabas ng travel retrictions sa lahat ng mga dayuhang bisita dahil sa pagkalat ng coronavirus sa mundo.

Dahil walang bumibisitang dayuhan sa bansa, umaasa si Bengzon na mapupunan ng lokal na turista ang kakulangang ito kapag tuluyan nang muling magbukas ang mga lokal na destinasyon sa bansa.

Aniya, 10.8 porsiyento ng GDP ng bansa ang maaaring makuha sa domestic tourism.

Base sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, umabot ang domestic tourism expenditure sa P3.1 trillion habang ang inbound ay umabot sa P548.8 billion noong 2019.

“We have a very huge domestic tourism base. Last year, there were about 109 million domestic trips. And we’re very confident that as we open up local destinations, it will be the local tourists who will be creating or stimulating the demand,” ani Bengzon.

Umaasa aniya, ang buong sektor na makakuha ng tulong mula sa mga panukalang-batas na isinusulong ngayon sa Kongreso.

Isang tulong-pinansiyal na nagkakahalaga ng P10 billion ang inilaan sa industriya ng turismo sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Gayunman, sa aprubadong bersiyon ng Kamara, ang orihinal na halagang inilaan para sa working capital loans ay isinalin para sa imprastraktura, isang hakbang na pinuna ng iba’t ibang tourism stakeholders.

“We have been virtually shut down for close to 150 days with no sources of income. Infrastructure development can resume as we head into normalcy but for now, the priority of stakeholders is financial assistance in the various forms of what is in the provisions of the bill,” sinabi ni Tourism Congress of the Philippines President Jose Clemente III kamakailan.

Sa isang position paper, sumang-ayon ang DoT na kailangan ng sektor ang “direct” financial assistance at iminungkahi na muling buhayin ang bersiyon ng Senada at House bills na nagkakaloob ng P9.5 billion upang pondohan ang mga programa ng DOT para sa kritikal na naapektuhang negosyo sa industriya sa pamamagitan ng low-interest loan.

Iminungkahi rin nito ang P500 million budget upang makapagtayo ng COVID-19 testing centers sa mga tourist destinations na tinukoy ng DOT at makalikha ng trabaho katuwang mga lokal na pamahalaan at Department of Health.

“We affirm therefore that at this stage of the crisis where we are now looking at the recovery and resiliency of the industry, our priority based on consultations with the stakeholders are fiscal and monetary measures supporting tourism directly. These will range from economic relief to tourism businesses, rather than an infrastructure component which is not the priority at the moment,” anila.

PNA