SA gitna ng planong pagbubukas muli ng mga paaralan sa buong mundo, isiniwalat ng World Health Organization (WHO) na higit 40 porsiyento ng mga paaralan sa mundo ang kulang sa mga handwashing facilities, na isang malaking balakid sa pagbubukas.
“More than two out of five schools around the world lack basic handwashing facilities, affecting an estimated 818 million children,” pagbabahagi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga pinuno ng UN missions bilang pagbanggit sa isang joint report ng WHO at UNICEF na inilabas kamakailan.
Ang nasabing ulat ay maituturing na isang balakid sa muling pagbubukas ng mga paaralan dahil na rin sa kakulangan ng basic handwashing facilities.
“In the face of the Covid-19 pandemic, where hand hygiene is one of the key recommendations for keeping safe, this is a major obstacle,” ani Tedros.
Dagdag pa niya, na karamihan sa mga paaralang ito ay wala man lamang malinis na tubig o maayos na mga palikuran.
Paliwanag pa ng WHO chief, higit pa sa inasahan ang nilikhang epekto ng mga problemang dulot ng pandemya, na sumasakop sa malawak na uri ng mga nakahahawang sakit.
Sa ulat lumalabas na 43 porsiyento ng mga paaralan sa buong mundo ang kulang sa access sa paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig noong 2019—isang kritikal na kondisyon para sa mga paaralan upang ligtas na makapagbukas sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
“Access to water, sanitation, and hygiene services are essential for effective infection prevention and control in all settings, including schools,” diin ni Tedros.
“It must be a major focus of government strategies for the safe reopening and operation of schools during the ongoing Covid-19 global pandemic.”
Sa ulat, sinabi ni UNICEF Executive Director Henrietta Fore na: “Global school closures since the onset of the COVID-19 pandemic have presented an unprecedented challenge to children’s education and wellbeing,”
“We must prioritize children’s learning. This means making sure that schools are safe to reopen – including with access to hand hygiene, clean drinking water, and safe sanitation.”
Natuklasan pa sa ulat na mula sa 818 milyong bata na kulang sa serbisyo ng paghuhugas ng kamay sa mga paaralan, 355 milyon ang pumapasok sa mga paaralan na may tubig ngunit wala namang sabon na nagagamit, habang 462 milyong bata ang pumapasok sa mga paaralan na walang pasilidad o tubig para makapaghugas ng kamay.
Sa 60 bansa na nasa “highest risk of health and humanitarian crises” dulot ng COVID-19, 3 sa bawat 4 na bata ang kulang sa access upang makapaghugas ng kamay sa kanilang paaralan bago pa magsimula ang outbreak; kalahati ng bilang ng mga bata ang kulang sa serbisyo ng tubig, at higit kalahati ng bilang ang kulang sa basic sanitation service.
PNA