SA gitna ng pandemic, tila nakalilimot ang ilan sa ipinatutupat na quarantine at patuloy sa baluktot na gawain. Ngunit, nakahanda ang Games and Amusement Board (GAB) at ang kapulisan para masugpo ang illegal na tupada saan mang sulok ng Pilipinas
Nitong Miyerkoles, sinalakay ng pinagsamang puwersa ng Antipolo CPS, Rizal Provincial Intelligence Unit, sa pangunguna ni PLT Jackson Aguyen, at GAB Anti-iIllegal Gambling Division, sa pamumuno ni Glenn Pe ang ilegal na cockfighting (tupada) sa Buliran Rd, Brgy. San Isidro, Antipolo City.
Kabuuang 30 ang naaresto dahil sa paglabag sa PD 1602 (ilegal na tupada) at nakumpiska ang iba’t ibang kagamitan at parapernalya tulad ng 12 patas na manok panabong, apat na buhay na manok panabong, isang box ng tari, timbangan at halagang P290,000 na bet money.
Sa datos ng Antipolo City Police, kinilala ang mga nahuling suspect ay sina Joel Villarin, Henry Uyso, Angelo Bautista, Nestor Gale, Ricky Puyon, Arlando Feliciano, Rivhard Andrade, Martin Baino, Joven Garcia, Ricardo Sequina, Norman Recato, George Carolino, Manuel Felix, Erwin Diamante, Revall Rivera, Jesus Delas Alas, Michael Palabay, Ronaldo Marilao, Arnold Nepompceno, Agapito Caritativo, Ever Ojascastro, Aljohn Panganiban;
Ian Christopher De Guzman, Albert Villamontre, Francisco Jarabelo, Jun Ramos, Jun Driza, Norman Dulos, Ricardo Castro, at Levy Francisco. Kasalukuyan silang nasakustodiya ng Antipolo Police habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.
Sinabi ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na nagsasagawa na ang ahensiya ng sariling pagsusuri upang malaman kung may mga lisensiyadong indibidwal na sangkot sa naturang tupada.
“Lagi po naming sinasabi na maghintay lang po tayo ng tamang pagkakataon at mapapayagan na rin ng IATF ang sabong. Sa mga hindi makapaghintay at may record kayo sa GAB bilang lisensiyadong indibidwal sa sabong community, awtomatiko po na babawian namin kayo ng lisensiya,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman.
Kamakailan walong gaffer (mananari) ang tinaggaanl ng lisensiya ng GAB matapos masangkot sa ilegal na sabong sa Rizal.