Habang ang 16th-century Florentines ay nangamatay dahil sa plague, nilulunod naman ng mga nakaligtas ang kanilang takot sa wine, na ipinapasa sa kanila sa pamamagitan ng isang maliit na bintana na ngayon ay muling binubuhay dahil sa panahon ng coronavirus.
Makikita ang maliit na “wine windows” sa paligid ng Tuscan capital sa tabi ng pasukab ng mararangyang palasyo, kung saan ang mga mayayamang pamilya ay dati nang nagbebenta ng alak nang direkta sa nauuhaw na mga customer, na nakalagay sa flasks.
Sa paglipas ng mga panahon ang mga bintana na may sukat na 30 centimetres ang taas at 20 centimetres ang lapad, ay hindi na nagamit.
Ngunit ang pandemya ng COVID-19 ay nakita ang kanilang muling pagkabuhay, kasama ang mga bar na ginagamit ang mga ito upang maghatid ng mga ice-cold na cocktail tulad ng Aperol Spritz, gelato o kape.
Nag-aalok sila ng isang paraan para sa mga establisimiyento na tinamaan ng lockdown upang maakit ang mga customer habang sumusunod sa mga patakaran sa social distancing.
Ang mga bintana ay ginawa bago pa man ang plague. Nilikha sila ng pamilyang Medici, matapos itong bumalik sa kapangyarihan noong 1532 kasunod ng pagbagsak ng Republika ng Florentine, ayon sa iskolar na Massimo Casprini, na nagsulat ng isang libro tungkol sa kanila.
Ang tanyag na political dynasty “wanted to promote agriculture, so encouraged large Florentine landowners to invest in olive groves and vineyards... while giving them tax breaks to sell their production directly in town,” aniya sa AFP.