MULING nagparamdam ng kanyang kahandaan si Tokyo Olympics-bound Ernest John “Ej” Obiena sa nasikwat na bronze medal sa Diamond League kamakailan sa Italy.
Nalagpasan ng 24-anyos ang 5.70 meter para makapasok sa podium kasama sina Armand Duplantis ng Sweden (5.80) at Ben Broeders ng Belgium (5.70).
Lamang sa kanyang Season’s best si Boeders kay Obiena kung saan manaitala itong 5.71 habang 5.45 naman ang sa huli, kung kaya nailagay sa ikalawang puwesto ang pambato ng Belgium.
Sa kanyang Facebook page, masayang ipinahayag ni Obiena ang kanyang kasiyahan sa nasabing podium finish kung saan sa unang pagkakataon ay nagkaroon puwesto ang isang Pinoy pole vaulter.
“Third time playing in the Diamond League and finished third. This is a significant event for the Philippines because for the first time, a
Filipino pitted against the world’s best and got a podium finish.
Thank you for all your prayers, words of encouragement and staying up late to watch. I will try to keep doing better and carry the flag proud”, pahayag ni Obiena sa kanyang facebook page.
Si Obiena ang una sa apat na mga Pinoy athletes na nakapasok sa 2020 Tokyo Olympics matapos itong magkampeon sa 2019 Summer Universiade kung saan nagtala ito ng bagong national record na 5.76 meters.
Kasalukuyang nanatili sa Italya si Obiena upang patuoy na magsanay at maghanda para sa pagsabak nito sa Tokyo Olympics na nakansela ngayong taon sanhi ng pandemya.
-Annie Abad