IPINAGPALIBAN na rin ng The Federacion Internationale de Football Association (FIFA) at ng Asian Football Confederation (AFC) ang mga nakatakdang qualifying matches para sa World Cup ngayong taon.

Sa kanilang anunsiyong ginawa kahapon, sinabi ng mga football governing bodies na ang Asian qualifiers sa Qatar na orihinal na nakatakda sa Oktubre at Nobyembre ay iuurong na sa susunod na taon dahil sa coronavirus pandemic.

Maliban dito, ipinagpaliban din ang mga qualification matches para sa 2023 AFC Asian Cup sa China.

“FIFA and the AFC will continue to work together to closely monitor the situation in the region and to identify new dates for the respective qualifying matches,” ayon sa inilabas nilang statement.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nauna ng ipinagpaliban noong nakaraang Marso ng FIFA ang tatlong nakatakdang World Cup qualifying matches ng Philippine Azkals.

Marivic Awitan