SA halip na ipagpatuloy ang kanyang paglalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa collegiate ranks, mas minabuti ni UAAP Season 82 Juniors Football MVP Pocholo Bugas na dumiretso na sa pro ranks.

Kasunod ng paglalagay sa kanilang rosters ng mga subok ng mga beterano at mga kasalukuyang miyembro ng Philippine Azkals, kinuha rin ng United City FC si Bugas.

Pahiwatig lamang na naghahanap din ang koponan ng mga posibleng maging mga future stars ng Philippine football.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Produkto ng junior football program ng Far Eastern University-Diliman na nagmamay-ari ng huling 10 UAAP juniors football titles, pinili ni Bugas na hindi na lumaro sa college level.

May mga kolehiyo aniyang gusto siyang kunin para sa kanilang koponan ngunit hindi niya matanggihan ang alok sa kanya ng  UCFC.

Inihayag din ni Bugas na kinausap siya at pinayuhan ni Philippine team captain Stephan Schrock bago siya nagdesisyong maglaro sa UCFC.

Kabilang ang 18-anyos na si Bugas sa Philippines U-22 team na lumaro noong 2019 SEA Games bilang midfielder at defensive player kumpara sa FEU kung saan siya ang namumuno partikular sa opensa.

Makakasama ni Bugas sa koponan ang mga Azkals veterans na sina Schrock, Manny at Mike Ott, gayundin sina OJ Porteria, Sean Kane, Dennis Villanueva, Pika Minegishi at Spanish striker Bienvenido Maranon.

Lalahok ang UCFC sa Philippine Football League ngayong taon kung saan ipagpapatuloy nila ang kampanya ng koponan na dating kilala bilang Ceres Negros. Marivic Awitan