Suportado ng Union of League of Provinces (ULAP) ang pagpapaliban sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Sinabi ni Quirino Gov. at ex-Rep. Dakila Carlo Cua, pangulo ng ULAP, na maraming lokal na opisyal ang sumusuporta sa rekomendasyon na i-postpone muna ang opening of classes.

Ayon kay Cua, ang intensiyon ng DepEd na buksan ang mga klase sa Agosto 24, lalo na sa mga lugar na halos walang kaso ng Covid-19, ay maganda pero dapat din nilang ikonsidera ang sitwasyon ng bawat lokalidad.

“In highly urbanized areas, most families have gadgets, in the case of Valenzuela, the mayor has a strong program subsidizing gadgets for students, then they can possibly start classes, but the situation is different in far-flung areas, contextualization will be, in my opinion, very important,” banggit ni Cua sa isang pagdinig.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Inirerekomenda rin ng ULAP ang ipagpaliban sa pagbubukas ng mga klase para sa kaligtasan ng mga bata. Ayon sa kanya, iba-iba ang sitwasyon ng bawat lugar sa buong bansa.

Bert de Guzman